Manila vs Cebu para sa BP title

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagka­kataon ay magtatagisan ang Manila at Cebu para sa kampeonato ng Baseball Philippines.

Tinalo ng Manila ang Batangas, 7-3, upang itakda ang kanilang title duel ng Cebu para sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI kahapon sa Felino Marcelino Baseball Stadium sa Taguig City.

Tig-siyam na hits ang ginawa ng Dolphins at Bulls pero anim ang itinala ng Cebu sa ikalimang inning laban kay Romeo Jasmin na nagresulta sa anim na runs upang tabunan ang naunang 1-0 kalamangan ng Batangas.

Dahil sa pangyayari, na­bigo na ang Batangas sa hangaring ma­ging kauna-unahang ko­ponan na makadalawang sunod na titulo.

Tinalo ng Bulls ang Manila sa finals ng Series V upang masundan ang unang titulo na kinuha sa Series III.

Hangad ng Cebu ang ikatlong korona.

Show comments