MANILA, Philippines - Nagtapos si FM Haridas Pascua ng 11th place sa boys division, habang si Christy Lamiel Bernales naman ay nalaglag sa ika-35th na posisyon sa pagtatapos ng 2010 Asian Juniors Chess Championships sa Vijay Pak and Business Hotel sa India.
Nabigo si Pascua laban sa No. 9 Indian IM na si Das Debashis sa ika-siyam at huling yugto ng kompetisyon at tuluyang nabura ang kanyang pag-asa na magtapos sa Top 10 ng paligsahang nilahukan ng 74 woodpushers mula sa walong bansa na inorganisa ng All-India Chess Federation sa pakikipagtulungan ng Tamilnado State Chess Association at ng Sporst Promotion Foundation.
Ang 17-anyos na tubong Mangatarem, Pangasinan na si Pascua, nakipagtabla sa ika-anim na puwesto sa ika-walong round ay nagposte ng 5.5 points sa limang panalo, isang tabla at tatlong talo at nagtapos sa pakikipagsalo sa ika-14 hanggang ika-21 na puwesto.
Ngunit base sa mga tie-break scores, nasungkit ni Pascua ang ika-labinlimang puwesto.
Inuwi ni Shyam ang titulo sa pamamagitan ng mas mataas na tie-break score na sinundan ni Vidit at Nitin.
Nagtabla sila Shyam at Nithin habang si Vidit ay nagtagumpay laban sa number 24 na si Reddy Chinma Mehar.
Masama rin ang naging pagtatapos ng kampanya ni Bernales sa girls’ division na nilahukan ng 54 na manlalaro.
Ang UE standout na si Bernales ay yumuko kay No. 35 seed Azman Hisham Nur Nabila ng Malaysia at nakasya lamang sa ika-35 na puwesto at nagtala ng apat na puntos sa tatlong panalo, dalawang tabla at apat na talo.