LONDON - Gumawa si Justine Henin ng magandang pagbabalik sa Wimbledon nitong Lunes, sa pamamagitan ng pagposte ng straight sets na panalo na nagdala sa Belgian sa second round.
Pinatalsik ni Henin, halos 20-buwan na nagretiro, ang 20-anyos na Latvian na si Anastasija Sevastova, 6-4, 6-3 sa kanyang pagbabalik sa ladies’ singles sa All England Club sa unang pagkakataon mula noong 2007.
“It’s a very good feeling to be back,” ani Henin.“I see things differently now. I probably enjoy it much more. It’s been only a good thing since I arrived.
“Wimbledon has been one of the reasons why I decided to come back from retirement.
Hindi pa nananalo ang 28-anyos mula sa Liege, mayroong apat na French Opens, dalawang US Opens at isang Australian Open crown, ng Wimbledon title kung saan tumapos lamang ito ng runner-up noong 2001 at 2006.
Samantala, magaan ring umusad ang five-time Wimbledon champion na si Venus Williams sa second round matapos na dispatsahin si Rossana De Los Rios ng Paraguay.
Halos dominahin ni Williams ang Wimbledon sa huling dekada nang makarating ng walo mula sa huling 10 finals at ngayon tila muling pumapabor sa American ang suwerte matapos na talunin si De Los Rios.
Nakatikim naman ng malaking upset ang fifth seed at French Open champion na si Francesca Schiavone nang yumukod ito sa Russian na si Vera Dushevina, 6-7 (0/7), 7-5, 6-1.
Nangapa si Schiavone sa final set upang malasap ang kanyang ikalawang opening round na pagkabigo mula ng kanyang masikwat ang kanyang unang grandslam title sa Roland Garros nitong kaagahan ng kasalukuyang buwan.