MANILA, Philippines - Isinantabi ng Cobra Energy Drink ang mahinang panimula sa pamamagitan ng malakas na pagtatapos upang maiuwi ang 92-85 overtime win sa Misamis Oriental sa second leg ng Tournament of the Philippines sa Lagao Gym sa General Santos City.
Napag-iwanan ang Ironmen ng 24 puntos, 47-23, ilang minuto bago matapos ang first half pero matapos ang halftime talk ay nagbaga ang paglalaro ng koponan para makalikom din ng kabuuang 12 puntos na magagamit nila sa hangaring makapasok sa playoffs.
Sina Parri Llagas, PJ Barua at JR Tecson ang nagtulong-tulong upang maibangon ang tropa ni head coach Lawrence Chongson.