Mga babaeng runners magpapasikat sa Team Woman Run

MANILA, Philippines - Ang mga women runners naman ang magpapasiklab para sa Team Woman Run sa Hunyo 27 sa Venice Piazza Mall sa McKinley Hill.

Ang naturang event, inihahandog ng Woman by Lactacyd, ay isang four-woman team relay na tatakbuhin sa 21 kilometro o half marathon distance at hinati sa apat na bahagi --ang 10k run, 5k at dalawang 3k races.

Bibigyan ang bawat team captain ng pagkakataon na pumili kung sino ang kanyang ilalaban sa longer route, middle distance at mga shorter distaces.

 Ang event, humihimok sa kababaihan sa iba’t ibang antas na gawing isport ang pagtakbo, ay magtatampok sa mga koponan na may tatlo hanggang apat na miyembro na may edad 18 hanggang 45-anyos.

Ang bawat participante ay pinapayagang tumakbo ng dalawang beses sa first at last legs ng event na suportado ng 100 Plus, Alaska Slim, Beauty Bar, Bluewater Day Spa, David’s Salon, Dole, Summit at Timex at media partners Multisport, Runnerspeak at Women’s Health.

Patuloy ang pagpapatala hanggang Hunyo 24 sa Timex North Edsa, Timex MOA, Timex Southmall at Runner Bonifacio High Street, ayon sa nag-organisang Eventking Corp.

Show comments