Pascua ginulat ang Vietnamese

CHENNAI, India--Ti­na­lo ni dating Palarong Pam­bansa gold medalist Haridas Pascua si No. 54 seed J. Yohan ng Vietnam sa first round ng 2010 Asian Junior boys and girls chess championships dito sa Vijay Park and Business Hotel sa Arrumbakkan.

Sa kabila ng paglalaro hawak ang itim na piyesa, binigo pa rin ng 17th-see­ded at may ELO rating na 2358 si Yohan sa naturang 74-player tournament.

Umagaw ng pansin ang 17-anyos na tubong Ma­nga­tarem, Pangasinan nang magsulong ng silver medal sa 2007 World Under-16 Olympiad sa Singapore.

Susunod na makakala­ban ni Pascua sa second round si No. 55 seed Vahid Faramarzi na isa sa tatlong kumakampanya para sa Iran.

Hindi naman naging ma­suwerte si No. 15 seed Christy Lamiel Bernales matapos matalo kay No. 41 WFM Hisham Nur Najha of Malaysia.

Makakatapat ni Berna­les, si No. 43 R. Abirami ng Indian sa second round.

Show comments