Pasig vs Muntinlupa sa korona

MANILA, Philippines - Itinakda ng Muntinlupa ang isang ‘winner-take-all showdown’ para sa Coca-Cola Hoopla matapos talunin ang Pasig, 86-76, sa Pasig Sports Center nitong Miyerkules ng gabi.

Dahil sa pagkawala ng kanilang ‘twice-to-beat adv­antage’, bibiyahe ang Pasig papuntang Muntinlupa Sports Center para sa kanilang banggaan ng Muntinlupa bukas ng alas-6 ng gabi.

 Ang magkakampeon ang siyang magbubulsa sa premyong P250,000 at magiging kauna-unahang koponan na naghari sa torneong inorganisa ng Coca-Cola para palakasin ang community-based basketball sa National Capital Region.

Ang runner-up ay ta­tang­gap ng P125,000, habang P75,000 at P50,000 sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod, sa kompetisyong pinamahalaan ni veteran coach Joe Lipa.

Tinalo na ng Muntinlupa ang Pasig, 84-81, sa first round ng naturang inter-zonal stage.

Muntinlupa 86 – Buenaflor 20, Salvador 18, Racal 13, Bernardo 12, Albo 9, Da­gohoy 8, Tan 3, Tesorero 2, Minoc 1.

Pasig 76 – Labis 14, Pinili 11, Nudo 11, Fajardo 10, Bato Bato 9, Martinez 7, Baylen, Jeric 6, Platino 3, Clarianes 2, Sumulong 2, Baylen, Jigo 1, Pascua 0.

Quarterscores: 19-20, 46-37, 68-58, 86-76.

Show comments