Ascof Lagundi, M. Lhuillier-Cebu nanalasa agad sa TOP

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Cebu Ni­nos ang winning streak sa 22 nang kalusin nila ang Ani-FCA sa pagsisimula ng Tournament of the Philippines kahapon sa NinoyAquino Stadium.

Nagpasabog ng 30 pun­tos kasama ang pitong tres ni Stephen Padilla at pi­nangunahan ang mainit na paglalaro ng Ninos sa ikatlong yugto upang makabangon sa 23-37 pagkakalubog upang makuha ang unang panalo sa Leg 1 ng kompetisyong pinagta­tambalan ng PBL at Liga Pilipinas.

“Ilang araw pa lamang ha­los nagkasama-sama ang mga players kaya na­­nga­ngapa pa. Pero ma­ganda ang depensa namin at naniniwala akong mas gaganda pa ang laro namin sa mga susunod na araw,” wika ni Cebu coach Yayoy Alcoseba.

Angat pa nga ang Culti­vators sa halftime, 39-30, pero kumawala ng 36 puntos ang Cebu sa ikatlong yugto upang makalayo sa 66-59 iskor.

Unang koponan naman na kumuha ng panalo ay ang Ascof Lagundi na na­lusutan ang Treston Laguna, 89-85.

Tumayong bida sina Edwin Asoro at Vic Manuel upang maisantabi ng koponan ni coach Carlo Tan ang 83-85 iskor pabor sa Stallions.

Isang fastbreak lay-up ang ginawa ni Asoro para maitabla ang iskor sa 85, may 44 segundo sa laro.

May tsansa pa siyang ibigay na ang kalamangan sa koponan nang ma-foul siya ni Ricky Ricafuente pero sumablay siya.

Naroroon naman si Ma­nuel para sa offensive re­bound ay napasabit niya si Robert Sanz para sa da­lawa pang free throws na madaling naipasok ng 6’4” forward na hinirang na MVP sa nakalipas na PBL conference.

Ascof Lagundi 89 - Manuel 14, Smith 13, Asoro 10, Co 10, Labagala 9, Aguilar 8, Lanete 6, Gamalinda 5, Mangahas 5, Canlas 5, Uyloan 2, Leynes 2, Maliksi 0.

Treston Laguna 85 - Sanz 23, Bolocon 18, Legaspi 11, Losentes 10, Mangahas 9, Grijaldo 6, Angeles 3, Mer­cado 2, Ricafuerte 2, Capati 1.

Quarterscores: 26-16; 45-39; 63-65; 89-85.

M.Lhuillier Cebu 86 - Padilla 30, Magsumbol 15, Santos 13, Cruz 8, Ababon 6, Ybanez 5, Saladaga 4, Mepana 3, Basco 2, Nailon 0.

ANI-FCA 73 - Hugnatan 19, Bautista 12, Luanzon 9, Custodio 9, Arao 7, Co 5, Ong 4, Mirza 4, Sena 2, Dizon 2, Te 0, Canuday 0 

Quarterscores: 13-22; 30-39; 66-59; 86-73.

Show comments