Magic tinulungan ni Howard na makabangon

ORLANDO, Fla. - Hindi pa handang umuwi ang Ma­gic at ang tanging biyaheng kanilang gagawin ay ang patungo sa Boston.

Humakot si Dwight Ho­ward ng 21 points at 10 re­bounds upang tulungan ang Orlando Magic sa ins­piradong 113-92 tagumpay laban sa Boston Celtics sa Game 5 ng kanilang NBA Eastern Conference finals.

Nakadikit na ang Magic sa 2-3 sa kanilang best-of-seven series ng Celtics mat­apos mabaon sa 0-3.

“I don’t know if you can say you have momentum when you’re down 3-2 going into their place,” sabi ni Magic coach Stan Van Gundy. “I still look at it like we’re climbing a huge mountain here. But we are playing better.”

Mula sa sinasabing ‘sweep’ sa Game 4, pu­wer­sado ngayon ang Cel­tics na ipanalo ang Game 6 sa Boston sa Biyernes kung saan posibleng hindi makalaro si Kendrick Perkins matapos makuha ng starting center ang kanyang pang pitong technical foul sa playoffs.

Kung makakatabla ang Magic sa Game 6, ila­laro ang Game 7 sa Or­lando.

Wala pang NBA team ang nananalo sa isang ser­ye matapos matalo sa unang tatlong laro.

“I just feel that if we keep believing in each other and trusting one another and playing as hard as we can, anything’s possible,” sabi ni Howard sa Magic na nagtala ng 13-of-25 shooting sa three-point range.

Umiskor si Jameer Nelson ng 24 points para sa Or­lando, habang may 14 naman si J.J. Redick.

Nagtala si Rasheed Wallace ng 21 points upang pangunahan ang Boston kasunod ang 19 ni Rajon Rondo.

Show comments