DOHA, Qatar--Bagamat ipinakita ang isang magandang laro, natikman pa rin ng Smart Gilas Pilipinas ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.
Sa likod nina dating NBA veteran Jackson Vroman at Loren Woods, tinalo ng Mahram ng Iran ang Smart Gilas, 86-72, sa 21st FIBA-Asia Champions Cup dito sa Al Gharafa Sports Club Hall.
Nauna nang yumukod ang Nationals sa host Al Rayyan ng Qatar at Astana Tigers ng Kazakhstan bago natalo sa Mahram na nagdadala ngayon ng 3-0 rekord.
Ang 6-foot-10 na si Vroman ay naglaro sa NBA para sa Chicago Bulls sa loob ng anim na taon, habang ang 7’2 namang si Woods ay kumampanya para sa Minnesota Timberwolves, Miami Heat at Houston Rockets.
Nagtumpok sina Vroman at Woods ng pinagsamang 48 points, 27 rebounds, 7 steals, 6 assists at 4 blocks para sa Iranian team.
Nalimita naman ng Smart Gilas ang mga scorers na sina Nikkah Bahrami Samad at Mahdi Kamrani sa 6 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Mahram of Iran 86- Vroman 28, Woods 20, Afagh 16, Kamrani 12, Samad 6, Atashi 2, Veisi 2, Sohrabnejad 0.
Smart Gilas Pilipinas 72- Barroca 13, Baracael 9, Vucicevic 10, Tiu 9, Lutz 9, Slaughter 8, Aguilar 5, Jazul 5, Ballesteros 2, Ramos 0, Ababou 0
Quarterscores: 23-16; 38-33; 61-53; 86-72.