Smart Gilas 'di rin minamaliit ni Coach Nash Ng Qatar Team: Iran, Lebanon team-to-beat sa FIBA-Asia Champions Cup

DOHA, Qatar--Sinabi ni Al Rayyan coach Carl Nash na ang Mahram ng Iran at Al Riyadi ng Lebanon ang mga mabibigat na koponan sa 21st FIBA-Asia Champions Cup dito sa Al-Gha­rafa Stadium.

Ngunit nilinaw ni Nash na ang bawat tropa ay maaari rin namang matalo ng isang mahinang koponan.

 “Everyone talks about Mahram and Al Riyadi and I do be­lieve they are very strong,” wika ni Nash, gagabayan ang mga Qataris para sa unang pagkakataon sa naturang nine-day import-laden tournament.

 “But if your team is playing in the FIBA-Asia Champions Cup, there’s a reason for that - they must be good. I think everyone is good and anyone can beat anyone on a given night,” dagdag ni Nash.

Hindi rin minaliit ni Nash ang tsansa ng Smart Gilas Pilipinas, magpaparada kay six-foot-10 Serbian Milan Vucicevic.

Itatampok naman ng Al Ray­yan sina imports seven-foot Michael Fey at guard Craig Win­der.

Si Fey ay nauna nang ikinun­sidera ng Smart Gilas bilang rein­forcement, habang naglaro naman si Winder para sa Rio Grande Valley Vipers sa NBDL kung saan siya nagtala ng mga averages na 16 points, 5.4 re­bounds at 2.0 assists.

Maliban sa mga Americans, ipaparada rin ng Al Rayyan ang kanilang mga naturalized pla­­yers na sina Yaseen Ismail Musa, Mohamed Salem, Malek Salem at Erfan Saeed.

Inamin naman ni Serbian men­tor Rajko Toroman na ma­hihirapan ang Smart Gilas bunga ng ilang injuries ng mga miyembro nito.

“We have a lot of injuries,” sabi ni Toroman sa Nationals. “And though I think it will not be easy, we will aim to make it to the semifinals.”

Show comments