Ginebra ibinangon ni Menk, napiling PBA PoW

MANILA, Philippines - Nang unti-unting bumagsak ang mga Gin Kings, ang power forward na si Eric Menk ang kanilang inasahan na magbabangon sa kanila.

Mula sa kanyang pagbaban­dera sa Barangay Ginebra sa da­lawang sunod na panalo, na­pili si Menk bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Mayo 10 hanggang 16.

“He is our steady guy inside,” sabi ni Gin Kings’ head coach Jong Uichico sa 6-foot-5 center-forward na kanilang sinandigan sa mga tagumpay kontra Barako Energy Coffee Masters at Sta. Lucia Realtors sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference.

Nagtala si Menk, ang 2004-05 PBA Most Valuable Player awardee, ng mga averages na 16.0 points, 6.5 rebounds at 2.5 assists mula sa mga averages na 7.8 points at 3.6 rebounds sa unang walong laro ng Ginebra.

“He has been working extra hard to be in the best shape possible and is so focused on his game,” sabi ni Uichico sa 35-anyos na Fil-American.

Sa 93-90 pananaig ng Gin Kings sa Cofee Masters noong nakaraang Miyerkules, nagtala si Menk ng 20 puntos, habang naglista naman siya ng 12 sa 102-85 paggiba sa Realtors noong Linggo.

“The other guys were loo­king for me and luckily my shots went in,” sabi ni Menk. “It was an escape, but it’s good we came out with the win.” 

Show comments