Realtors pinakain ng alikabok ng Gin Kings

MANILA, Philippines - Ngayon na nararamdaman ng mga Realtors ang pagkawala sa kanila nina Kelly Williams at Ryan Reyes.

Sinamantala ang pag­babago ng Sta. Lucia, ma­daling ipinoste ng Ba­rangay Ginebra ang isang 102-85 panalo sa 2009-2010 PBA Fiesta Confe­rence kahapon sa Araneta Coliseum.

“We did something po­sitive today but it’s hard to make a judgment kasi siyempre nawalan ng pla­yers ang Sta. Lucia es­p­ecially two of their their core,” wika ni Gin Kings’ head coach Jong Uichico.

May 6-4 baraha nga­yon ang Ginebra sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel (8-1), Talk ‘N Text (7-2) at Derby Ace (6-3) kasunod ang Alaska (5-4), Ra­in or Shine (4-5), Sta. Lucia (4-6), Coca-Cola (4-6), Barako Coffee (2-7) at Air21 (1-9).

Kaagad na kinuha ng Gin Kings ang isang 14-point lead, 27-13, sa first period patungo sa 51-37 pagbaon sa Realtors sa halftime.

Humugot naman si im­port Mildon Ambres ng 14 sa kabuuang 19 pro­duksyon ng Ginebra sa third quarter para kunin ang isang 20-point advantage, 70-50, kontra Sta. Lucia sa 4:05 nito.

Nakalapit ang Realtors sa 70-81 agwat mula sa 3-point shot ni Yousif Aljamal kasunod ang isang 14-0 run ng Gin Kings pa­ra sa kanilang 93-70 ben­tahe sa huling 4:47 sa final canto.

Tumipa si Ambres ng 21 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Ginebra.

Naglista ang mga ba­gu­hang sina Aljamal, Ali Peek, Nic Belasco, Pong Escobal at Ogie Menor ng 12, 5, 4, 2 at 0 marka, ayon sa pagkakasunod, para sa Sta. Lucia.

Ginebra 102 - Ambres 21, Tubid 17, Helterbrand 17, Caguioa 12, Menk 12, Hatfield 7, Villanueva 6, Wilson 5, Miller 2, De Ocampo 2, Cruz 1

Sta. Lucia 85 - Johnson 31, Espinas 13, Aljamal 12, Mendoza 11, Omolon 5, Peek 5, Belasco 4, Escobal 2, Aquino 2, Urbiztondo 0, Menor 0, Belano 0

Quarterscores: 27-13, 51-37, 77-63, 102-85.

Show comments