MANILA, Philippines - Nakatakdang pakawalan ngayon Ang Pilipino Star NGAYON Fun Run for a Cause sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City kung saan tinatayang aabot sa 3,000 runners ang maglalaban-laban para sa top honors sa iba’t ibang divisions.
Ayon sa organizers ng nasabing event, lalahok din ang mga bigating Kenyan runners at inaasahang mahigpit silang paborito na madomina ang centerpice 10k run.
Ang iba pang events na paglalabanan na nakatakda sa ganap na alas-5 ng madaling araw ay ang 3-kilometer, 5-kilometer.
Ang entry fee ay P350 (3k at 5k) at P400 (10k), kasama na ang limited edition na Pilipino Star NGAYON run singlet at race bib na may timing chips at donasyon sa Operation Damayan.
Ang nasabing event, pagkukunan ng pondo para sa Adopt-A-School project via “Bigay Todo sa Pagtakbo,” ay itinataguyod ng Globe, SM Mall of Asia, Pilipino Star Printing, The Philippine STAR, Western Ink, The Real Bank, Wheat Grass, Microtel Hotels & Resorts, San Mig Coffee, Top Nine, Premier Adhesive, Nestle Milo, Pan Pacific Manila, Diamond Hotel, R.O.X., Chris Sports katuwang ang mga media partners na PM, Freeman at Banat.
Ang San Isidro Elementary School sa Naguilian, La Union, isa sa mga paaralang naapektuhan ng bagyong “Pepeng” noong nakaraang taon, ang magiging pangunahing makakatanggap ng tulong.