Corteza buhay pa, Reyes; Mistica sibak sa US 10-Ball Tour

MANILA, Philippines - Tila nauupos na kandila sina Efren “Bata” Reyes at Ramon Mistica matapos mamaalam sa idinadaos na 1st Annual Hard Times-Mezz Cues 10-ball Open sa Hard Times Billiards sa Bellflower, Los Angeles, California.

Tumuhog ng dalawang maagang panalo, kumulapso ang laro nina Reyes at Mistica nang makalasap ng kabiguan sa winner’s bracket at loser’s bracket upang magwakas ang kampanya sa torneo.

Nalasap ni Reyes ang unang kabiguan sa kamay ni Rodney Morris ng US, 9-6, bago tuluyang manahinga nang yumukod sa kababayang si Warren Kiamco, 9-6. Si Mistica naman ay nalaglag sa loser’s bracket nang matalo kay Corey Harper, 9-8, at tulu­yang namaalam sa 9-8 kabiguan kay Ed Mataya.

Naiwang nasa winner’s bracket sa winner-break, double elimination format na liga si Lee Vann Corteza nang kunin ang ikaapat na sunod na panalo laban kay Harper, 9-1.

Show comments