Angping, Macapagal sa PSA

MANILA, Philippines - Si Philippine Sports Commission chairman Harry Angping at dating two-time Olympian Art Macapagal ang magiging bisita sa PSA Forum bukas sa Shakey’s in U.N. Avenue.

Tatalakayin nina Angping at Macapagal ang darating na Philippine Sports Hall of Fame awards night.

Si Macapagal, pangulo rin ng Philippine Olympians Association, ang pinuno ng Hall of Fame organizing committee na pumili sa 10 sports figures at personalities na iluluklok sa Hall of Fame sa Mayo 5 sa Maynilad Hall ng Manila Hotel.

Si Angping ang tumatayong vice-chairman ni Macapagal.

Inaanyayahan ni PSA president Teddyvic Melendres ang mga miyembro na dumalo sa nasabing pang alas-10:30 ng umagang sports session na itinataguyod ng Outlast Battery, PAGCOR at Shakey’s.

Show comments