SMBeer pahihigpitin pa ang kapit sa liderato sa pagbabalik aksyon ng PBA Fiesta Conference

MANILA, Philippines - Matapos ang All-Star break at ang trade na kina­sangkutan nina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller ng Alaska at Cyrus Baguio ng Barangay Ginebra, muling magbabalik ang aksyon sa elimination phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference.

Maghaharap ang Gin Kings at ang Aces nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­tapos ang salpukan ng nagdedepensang San Miguel Beermen at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5 ng hapon sa Ara­­neta Coliseum.

Kamakalawa ay bumu­ngad ang pagdadala ng Alaska kay Miller sa Ginebra para kay Baguio.

Maliban sa paghugot kay Miller, pinauwi rin ng Gin Kings si NBA veteran Awvee Storey para ipa­rada si Milton Ambres, isang standout ng Idaho Stampede sa National Basketball Development League (NBDL).

“We’re having a difficult time finding an import who plays all-around,” wika ni coach Jong Uichico sa 6-foot-5 na si Ambres.

Sina Miller at Ambres ay maka­katuwang nina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Eric Menk, Ronald Tubid at JC Intal para sa Ginebra katapat sina Baguio, Joe Devance, Jeff Cariaso, LA Tenorio, Sonny Thoss at Sam Eman sa Alaska.

“I believe quickness is more important as LA Tenorio will now have so­mebody whom he could run along with,” ani Cone kay Baguio. “Cyrus is obviously one of the best finishers and we didn’t have that for a long time. Probably the last player whom we had as a best finisher was Jeff Cariaso during our grandslam year in 1996.”

Sa inisyal na laro, pa­tatatagin naman ng San Miguel ang kanilang pagkapit sa liderato sa pakikipagharap sa Rain or Shine. 

Show comments