CARACAS--Makaraang sumuko sa pulisya matapos amining pinatay niya ang kanyang asawa, tuluyan ng winakasan kahapon ng alas-2 ng madaling araw ni Edwin “El Inca’ Valero ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda sa headquarters ng Carabobo dito.
Ilang oras bago naganap ang pagpapakamatay ni Valero, inaresto siya ng pulisya at inamin niya na siya ang pumatay sa kanyang asawang si Yennifer Carolina Viera sa Hotel Intercontinental Valencia.
Ito ang kinumpirma ni Eloisa Vivas, ina ng world lightweight champion na si Valero sa pamamagitan ng CMB telephone.
Sinaksak at napatay ng 28-anyos na si Valero ang asawang si Yennifer sa InterContinental hotel sa Valencia, Venezuelan.
“Valero went down to a hotel reception and confessed to the employees that he had carried out the murder,” sabi sa isang official statement ng attorney-general.
Bago ito, inaresto na rin si Valero, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) lightweight champion, noong Marso dahil sa pambubugbog kay Yennifer.
Dahilan sa kaso ni Valero, ibinigay na ng WBC ang lightweight crown, dating hinawakan ni Pacquiao, kay Mexican Humberto Soto.
Ilang beses nang nabanggit nina trainer Freddie Roach at Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pangalan ni Valero bilang potensyal na kalaban ng 31-anyos na si Pacquiao.
Matapos ang aksidente sa motorsiklo ilang taon na ang nakararaan, nalulong si Valero, may malinis na 27-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 27 KOs, ang Venezuelan fighter sa alak at ilegal na droga.