MANILA, Philippines - Dahilan sa kanyang right knee injury, dalawang laro ang iniupo ni Kerby Raymundo para sa B-Meg Derby Ace sa kasalukuyang 2009-2010 PBA Fiesta Conference.
Hindi na rin maglalaro ang 6-foot-5 na si Raymundo para sa darating na 2010 PBA All-Star Game na nakatakda sa Abril 23-25 sa Puerto Princesa, Palawan.
“There is no timetable for his return,” wika ni Llamados’ head coach Ryan Gregorio kay Raymundo, nakakuha ng starting spot para sa North All-Star kasama sina Mark Pingris, JC Intal, Jayjay Helterbrand at Paul Artadi.
Sa pamamahinga ni Raymundo, sinalo naman ni Gabe Norwood ng Rain or Shine ang kanyang posisyon.
Itatampok sa All-Star Weekend ang Rookies vs Sophomore Game, Slam Dunk contest, obstacle course event at ang 3-point shootout.