MANILA, Philippines - Paluluwagin ng Philippine Basketball League (PBL) ang kanilang age requirement para sa second conference ngayong Abril.
Sa bagong programa, papayagan ang bawat koponan na makakuha ng tatlong players na may edad na 26 hanggang 28-anyos.
Ang naturang mga players ay maaaring mga nakapaglaro na sa PBA at sa ABL o beterano na ng PBL, La Liga o iba pang local leagues na hindi pa sumusubok sa drafting.
Kailangan lamang ng mga manlalaro na makapagsumite ng kanilang aplikasyon sa Abril 12, 2010 sa PBL office.
Hinihikayat ang mga Pro league practice players na papayagan ng mga PBA teams na muling maglaro sa PBL ngayon torneo.