Cantonjos, Jose; Medina wagi sa PACE chessfest

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Allan Cantonjos ng Philippine Air Force ang kanyang sipremidad sa chess matapos dominahin ang katatapos pa lamang na Summer Rapid Chess Festival na nasabay rin sa pagbubukas ng Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) nitong Marso 26-27 sa PACE headquarters, #56 Min­danao Avenue, Project 6, Quezon City.

Umiskor si Cantonjos ng 7.5 puntos upang walisin ang Nine Round Swiss System at angkinin ang championship trophy at ang P7,000 premyo, ha­bang umangat naman si Vin­ce Angelo Medina ng FEU at Rulp Ylem Jose sa Top Kiddy at Women category, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang nanalo sa Mart­es 2150 Category ay sina Christian Arroyo, Ivan Gil Biag, Lyndon Sombilon, NM Alex Milagrosa at Sheider Nebato.   

 Samantala, bukas na ang patalaan para sa mga interesado na lumahok sa first batch ng PACE Training Beginner’s Course na magsisimula saAbril 19 sa Lunes, alas-9 ng umaga.

Tumatanggap rin ng mga mag-aaral na may minimum age na 5-taon. Para sa detal­ye, tumawag lang kay Boyet Tar­decilla sa (02) 473-7008, (02) 454-6090 o sa mobile no. 0916-6169586. 

Show comments