PDRT Fireblades, PNP Patriots wagi sa dragon boat race

MANILA, Philippines - Naging double-winner muli sa dragon boat race ng Manila Bay Seasports Festival ang PDRT Fireblades na’ng kani­lang talunin ang De La Salle Uni­versity sa mixed at open championships.

Nakuha naman ng PNP Patriots ang kampeonato sa women’s category matapos na igupo ang Triton.

Nakamit naman ng mga ba­tikang bangkero mula sa La Union at Aklan ang kampeonato sa bancathon noong Linggo.

Si Alfredo Rulloda, lulan ng ‘Zharlan’ ang nagwagi sa Stock Race, habang si Ryan Isiderio naman na piloto ng ‘Empress of Boracay’ ang nanalo sa Formula Race.

Ang Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakiki­pagtulungan ng Philippine Coast Guard, Gold Eagle Beer, Caltex, Lipovitan, Alaska, Smart Money, Filinvest, Revicon, M. Lhuillier, My Juiz, Wings Detergent, Briggs and Stratton at ng Cord Marine Epoxy.

Show comments