B.J. Armstrong darating sa Manila, 20 NCR kids sasalain sa Jr. NBA National Training Camp

MANILA, Philippines - Ang best 20 Jr. NBA players mula sa Cebu at Davao ay napili na.

Ngayon ay mamimili naman sa Manila at Luzon para sa ibibi­lang sa Jr. NBA National Training Camp na pangungunahan nina NBA Legend B.J. Armstrong at US Jr. NBA Coach Frank Lopez sa Manila sa Abril.

Ang Jr. NBA National Training Camp ay ang final stage ng third consecutive Jr. NBA Philippines Program ng Hi Smart Multivitamins.

Ang Jr. NBA action ay magbabalik sa Manila sa Linggo kasama ang Jr. NBA Regional Selection Camp mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong City.

Ang mga batang may edad 12 hanggang 14-anyos ay iniimbitahang sumali sa training camp kung saan sila sasailalim sa drills and vitals tests, listen to health and nutrition seminars, learn about proper hydration and pass through five Jr. NBA skills stations.

Ang top 20 performers sa Manila camp ay itatapat sa 20 kids mula sa Cebu and Davao sa isang intensive 3-day Jr. NBA National Training Camp sa Abril 16-18 sa JRU Gym.

Show comments