MANILA, Philippines - Minsan ay nasabi ni Manny Pacquiao, ang world’s Best Pound for Pound Fighter, na, “I do my talking inside the ring”.
At iyan ang inilaan para sa mga boxing fans ng Countryside Associated Television (CAT Network) sa pamamagitan ng isang lingguhang television talk show na dedikado sa boxing. ito’y ang Inside Ringside, isang One-Hour-and-a-Half talk show na magbibigay ng pinakahuling balita, updates at istorya buhat sa boxing world na ngayon ay dominado ni Pacquiao.
Hangad ng Inside Ringside na bigyan ang televiewers ng mas malawak na insight sa sport ng boxing. Sa programang ito na hosted nina Mon Liboro at Dennis Principe ay magkakaroon ng venue ang mga boxing experts at fans upang magbigay ng kanilang mga ideya at panukala upang palawigin lalo ang boxing sa Pilipinas.
Isa sa interesting segment ng programa ay ang “Pacman Prodigies” na naglalayong maghanap ng mga batang boksingero na susunod sa yapak ni Pacquiao. Susundan ng Inside Ringside ang exploits ng mga ito sa ibabaw ng lona.
batid ng Inside Ringside na ang countryside o prubinsiya ang siyang pinanggagalingan ng mga boxing talents. Si Pacquiao, na tubong General Santos City, ay nadiskubre ng isang boxing program na Blow By Blow noong siya ay 16-taong gulang pa lamang.
Ayon kay CAT Network President & CEO Jeff M. Manibayr ay bibigyan nila ng pagkakataon ang mga provincial promoters na pakita ang kanilang mga boksingero sa lingguhang programa. “No one in recent history has achieved the boxing prominence the Philippines currently enjoys. The glory that Manny Pacquiao has achieved will go to waste if nothing is done to propagate support in the local level. We need to cultivate the source.”