Pinoy Cuppers bokya sa Japan

MANILA, Philippines - Maski sa isang non-bea­ring reverse singles mat­ches ay hindi umubra ang mga Filipino tennis players kontra sa mga Ja­panese netters.

Tuluyan nang winalis ng Japan ang RP Team, 5-0, matapos manaig sa reverse singles sa pagsa­sara ng Asia-Oceania Zone Group I Davis Cup tie sa Osaka, Japan.

Isinuko ni Fil-Am netter Cecil Mamiit ang isang 4-6, 6-7 (4) kabiguan kay Japan No. 2 Tatsuma Ito.

Yumukod naman ang bagitong si Francis Casey Alcantara, ang top junior pla­yer ng bansa na nagkampeon sa 2008 Australian Juniors Open doubles, kay Go Soeda, 1-6, 0-6.

Bago ito, natalo muna si Mamiit kay Soeda, 7-6 (4), 3-6, 3-6, 3-6, sa unang singles event.

Katulad ng Southeast Asian Games gold medal winner, nabigo rin si Fil-Am Treat Huey kay Ito, 6-3, 3-6, 4-6, 6-3, 4-6.

Ang 4-6, 4-6, 3-6 pagkatalo nina Mamiit at Huey sa mga kamay nina Toshihide Matsui at Takao Suzuki sa doubles ang tuluyan nang nagbigay sa Japan ng 3-0 abante.

Show comments