Donaire, Concepcion­ dinumog sa motorcade sa Maynila

MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang mga nakagawian, mu­ling nilibot ni world in­te­­rim super flyweight cham­pion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang mga kalsada ng Maynila kahapon.

Ang naturang motorcade ay inorganisa ng­ Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Al­fredo Lim.

Nakasama ni Do­nai­re, ang kasalukuyang World Boxing Assocation (WBA) interim super flyweight titlist, sa na­turang motorcade ang kanyang asawang si Rachel Marcial at si Filipino featherweight contender Bernabe “The Real Deal” Concep­cion.

Mula sa Manila City Hall, dumiretso ang gru­po ni Donaire sa mga kalsada ng Escolta, Das­mariñas, Avenida, C.M­. Recto, Del Pan, Road 10, Tayuman, For­bes, España, Fajardo, Earnshaw, Legarda at Concepcion.

Matapos ito ay nag­ba­lik sina Donaire sa Manila City Hall.

“Feel na feel ko na Anak ako ng Maynila,” sabi ng 28-anyos na si Donaire.

Mas pinili ni Lim na sumakay sa ibang sa­­sakyan at bigyan ng pag­kakataon sina Do­naire at Concepcion na makihalubilo sa kani­lang mga fans,.

“I would rather not join them in their vehi­cles they boarded “so they can bask in their own, hard-earned glory,” wika ng Alkalde.

Inaasahan ni Lim na patuloy na magbibigay ng karangalan sina Do­naire at Concepcion sa bansa.

“Bihira lamang ang ka­­gaya nila na nagsi­si­kap hindi lamang pa­ra sa kanilang sarili kun­di para sa kanilang bayan,” sabi ni Lim kina Donaire at Concepcion. (Russell Cadayona)

Show comments