ICCHS pasok sa finals

CEBU CITY, Philippines - Isinubi ng Iloilo Chinese Commercial High School (ICCHS) ang ikalawang tiket sa finals ng Under-17 division ng SBP Nationals Junior Championships kahapon sa University of San Carlos gym.

Tinalo ng koponan ni dating Far Eastern U guard Vincent Conlu ang Sacred Heart Academy of Lucena, 72-64, para sa kanilang ika­apat na panalo matapos ang limang laro at nakuha nila ang karapatang harapin ang Luzon’s representative na St. Clare Caloocan para sa gold medal match ng tournament na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

“The players are happy to be in the finals. I think we have a good chance against St. Clare kahit tinalo nila kami sa elimination round,” wika ng 31-year na si Conlu na lumaro ng apat na season sa Tamaraws sa UAAP.

Ginapi ng St. Clare ang ICCHS sa preliminary round, 83-80 sa overtime.

Show comments