MANILA, Philippines - Sa pagkawala ng Oracle Residences ni Mikee Romero, ang Cobra Energy Drink ang sinasabing pinakamalakas na koponan ngayon sa Philippine Basketball League (PBL).
“We don’t know how far we can go, but one thing for sure, we’re going to motivate them to play their best each game,” ani coach Lawrence Chongson. “This is a short tournament, so each game is important.”
Tinalo ng Oracle ni Glenn Capacio ang Cobra ni Chongson sa nakaraang komperensya.
Nakatakdang harapin ng Iron Men ang baguhang AddMix Transformers ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng mga bagitong Pharex B Complex Maroons at Ani-FCA Cultivators sa alas-2 sa 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Ipaparada ng Cobra sina Paul Lee, Jai Reyes, Patrick Cabahug, Parri Llagas, PJ Barua, Allan Mangahas, Marvin Hayes at Greg Aguilar.
Babanderahan naman ng mga Falcons ng Adamson University ang AddMix ni Leo Austria sa pangunguna nina Julius Colina, Jerrick Cañada at Lester Alvarez at hinugot si Arellano Chief Gio Ciriacruz.
“Cobra is a very strong team, but we will rely on our own system. We need a total team effort on the defensive end to beat them,” sabi ni Austria.
Sa ikalawang laro, babanderahan nina 6-foot-7 Magi King Sison, Nestor David at Mark Anthony Lopez ng Uiversity of the Philippines at ni dating Ateneo De Manila University center Ford Arao katapat sina James Sena at Marc Cagoco ng Jose Rizal University at dating PBA player Christian Luanzon.
Kaagad na nagtala ng panalo ang Excelroof at Cossack Blue mula sa kanilang tagumpay sa Ascof Lagundi, 82-73, at Fern-C, 81-77, ayon sa pagkakasunod.