Lions, Lady Blazers kampeon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng San Beda ang sweep sa men’s division sa first round, habang winalis rin ng four-time champion St. Benilde ang women’s side sa 85th NCAA table tennis tournament na idinaos sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Napagwagian ng Kurt de Guzman-mentored Lions ang titulo ngayong season matapos na maipanalong lahat ang kanilang walong games na kinabibilangan ng 3-2 decision laban sa Blazers, ang defen­ding champion sa event na ito na suportado ng Andro.

Sa kabilang banda, binokya ng Lady Blazers ang Lionesses, 3-0 na tinampukan ng paninilat ng reigning two-time MVP na si Ayra Malabayabas kay Gloen Abales, 11-5, 11-1, 11-6.

Nakadikit naman ang Letran Lady Squires sa Lady Bla­zers hawak ang 4-1 (win-loss) record matapos na iposte ang lopsided na panalo laban sa EAC Lady Generals, 3-0, habang tumersera ang Lionesses na may 3-2 marka.

Ibinigay ni Nico Cruz ang krusyal na panalo para sa Lions matapos na ibangon niya ito mula sa first set na pagka­kadapa upang pabagsakin si E. Flores ng St. Benilde sa hu­ling reverse singles match, 6-11, 11-8, 11-5, 13-11.

Bunga nito, bumagsak ang Blazers sa ikalawang puwesto katabla ang Knights na tinalo naman ang Mapua Cardinals at ang Perpetual Help Altas taglay ang 3-0 panalo para sa kanilang 6-1 slate.

Show comments