NSAs pinagsusumite na ng programa para sa 16th Asiad

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pi­nag­hahanda na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga kasaling National Sports Associations (NSA)s sa 16th Asian Games na magsumite ng kanilang programa.

Ito ang pahayag kahapon ni soft tennis association president Jeff Tamayo sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant sa Padre Faura, Manila.

Ayon kay Tamayo, kaila­ngan nang madaliin ang pagsusumite ng mga NSAs ng mga atletang kanilang gustong isabak sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China sa Nob­yembre.

Ang mga lahok ay sasailalim naman sa pag-aaral ng binuong special committee ni POC presdent Jose “Peping” Cojuangco, Jr. sa pamumuno ni Chef De Mission Joey Romasanta ng karatedo federation.

Sa nakaraang edisyon ng quadrennial event sa Doha, Qatar, nag-uwi ang Team Phi­li­p­­pines ng kabuuang apat na gold, anim na silver at siyam na bronze medals para magtapos bilang No. 18 sa kabuuang 39 bansang lumahok. (Russell Cadayona)

Show comments