Tigers pinatalsik ng Elasto Painters, sasagupa sa Giants sa quarterfinals

MANILA, Philippines - Matapos ang Sta. Lucia ni Kelly Williams, ang Coca-Cola naman ni Asi Taulava ang pinatalsik ng Rain or Shi­ne nina Sol Mercado at Gabe Norwood.

Kumolekta si Mercado ng 28 puntos, 8 assists at 4 rebounds, habang tumipa naman si Norwood ng 16 mar­ka upang igiya ang Elas­to Painters sa 99-84 paglampaso sa Tigers sa kanilang play­off sa 2009-2010 PBA Philippine Cup kagabi sa Yna­res Sports Center sa Antipolo City.

Ang panalo ng Rain or Shine ang nagtakda sa kani­lang best-of-five quarterfinals series ng naghihintay na Purefoods Tender Juicy.

“They’re tough,” ani Mer­cado sa Giants. “I think they’re playing the best game right now. So we’ve got to really player harder.”

Humugot ang Fil-Puerto Rican ng 7 puntos sa third period at 16 sa fourth quarter kung saan itinala ng Rain or Shine ang pinakamalaki nilang bentahe sa 17 puntos, 94-77, kontra Coke sa hu­ling 3:23.

Mula rito ay hindi na nilingon pa ng Elasto Painters ni Caloy Garcia ang Tigers ni Bo Perasol.

Nauna rito, binuksan muna ng Rain or Shine, sinibak ang Sta. Lucia, 90-84, sa wildcard phase noong Linggo galing sa winning basket ni Eddie Laure, ang laro mula sa dalawang sunod na three-point shot ni Mercado.

Sa likod nina Taulava, Gary David at rookie Fil-Am Chris Ross, isang 12-1 atake ang ginawa ng Coke upang agawin ang unahan sa 12-7 sa 7:32 ng first period.

Nagdagdag sina Jeff Chan at Laure ng tig-16 puntos para sa Asian Coating franchise, habang may 20 naman si David para sa Tigers.

Show comments