WIJK AAN ZEE, Netherlands --Sa pang apat na sunod na pagkakataon, muling nauwi sa draw ang laban ni Filipino Grand Master Wesley So sa 72nd Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre.
Nakipagkasundo si So kay GM Parimartjan Negi ng India sa draw matapos ang 36 moves ng Sicilian sa fourth round ng torneo.
Parehong sumulong ng isang rook at apat na pawns ang magkatulad na 16-anyos na sina So at Negi, ang ikalawang pinakabatang chess player na nakasikwat ng GM title.
Si Negi ay naging GM sa edad na 13-anyos, habang 14-anyos naman si So nang makakuha ng GM title.
Bago si Negi, nauwi rin sa draw ang mga laban ni So kina top seed GM Arkadij Naiditsch ng Germany sa first round, No. 1 seed GM Erwin l’Ami ng the Netherlands sa second round at eighth seed GM Varuzhan Akobian ng United States sa third round.
Sa kanyang 2.0 points, nakatabla si So sa sixth hanggang 10th places sa nasabing 14-player, round-robin tournament.
Si So ay nasa ilalim nina GMs Ni Hua ng China at Anish Giri ng the Netherlands na kapwa nakuntento sa draw.