So nakipag-draw uli

 WIJK AAN ZEE, Netherlands --Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling hu­mirit ng draw si Filipino Grand Master Wesley So.

Matapos kay top seed GM Arkadij Naiditsch ng Ger­many, nakipagkasundo naman si So ng draw kay GM Erwin l’Ami ng the Netherlands sa second round ng 2010 Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre noong Linggo.

Hindi na hinintay pa ng 16-anyos na si So na masi­ngitan ng pagkatalo laban sa lower-rated Dutch player matapos silang magkaroon ng magkaparehong posis­yon sa kanilang maikling 2­3 moves.

Kapwa may dalawang rooks at magkasingdami ng pawns sina So at l’Ami.

Bago kay l’Ami, tumulak ng draw si So kay Naiditsch matapos ang 111 moves sa sa first round sa naturang 13-round, category-16 tournament.

Pitong players ang ka­tabla ngayon ni So buhat sa magkakatulad nilang one point sa ilalim ng full point nina solo leader GM Anish Giri ng the Netherlands at half a point nina Naiditsch at GM Ni Hua ng China.

Sinolo ni Giri, isa sa tatlong Dutch players sa Group B, ang liderato mula sa kan­yang 30-move victory via Petroff laban kay GM Li­viu-Dieter Nisipeanu ng Romania.

Sinimulan ng naturang 15-anyos na Dutch cham­pion ang kanyang kampan­ya mula sa kanyang panalo kay GM Pentala Harikrishna ng India sa 55 moves ng Slav opening.

Binigo naman ni Ni, ang No. 4 seed na may ELO 26­57, si GM Emil Sutovsky ng Israel para sa kanyang 1.5 points sa ikalawang puwesto sa itaas nina Naidits­ch, ang highest-rated player na may ELO 2687 at bumigo kay GM Varuzhan Akobian ng United States, at Ni sa second hanggang third places.

Show comments