Bustamante trinangkuhan ang Team Asia kontra Europe sa korona

MANILA, Philippines - Tinalo ni Francisco “Django” Bustamante si Dutch Nick Van Den Berg, 5-2, sa deci­ding match upang ibigay sa Team Asia ang 8-7 panalo sa Asia vs Europe 9-Ball Team Challenge na idinaos sa Sutra Hall, Rizqun In­ternational Hotel saGadong, Brunei Darussalam nitong Linggo.

Ito ang pinakamala-king panalo para kay Bus­tamante na nabigo ang dalawa mula sa kan­yang tatlong laro, pero bumangon ito at umiskor ng malaking panalo ng walisin ang la­mesa sa ikaapat na rack at itabla ang iskor sa 2-all, bago muling inangkin ang trangko kay Van Den Berg tungo kanyang panalo.

Ang iba pang miyem­bro ng Team Asia ay sina Efren “Bata” Reyes, Ko Pin Yi at Lu ­­Hui Chan ng Taiwan at local bet Teo Chee Soon habang kakampi naman ni Van Den Berg sa Team Europe ang kababayang si Niels Feijen, Ralf Sou­quet ng Germany, Ruslan Chinahov ng Russia, Imran Majid at Darren Appleton ng Great Britain,ang 2008 World Ten Ball champion.

Ibinulsa ng Team Asia ang top prize na $27,000 habang nakuntento naman ang Team Europe sa $13,000.

Samantala, tinalo niLee Van Corteza ang da­ting world champion na si Ronato Alcano 9-4, upang isubi ang 2010 Manny Villar Cup 10-ball crown sa One Side Billiards and Café Bar sa Mabini, Manila nitong Biyernes.

Dinomina ni Corteza, ranked No. 4 si Alcano sa kanyang so­­lidong game ng ipos­te agad ang 7-2 ka­lamangan tungo sa kanyang panalo sa race-to-9, winner’s break format. Nanalo siya ng P400,000.

Show comments