Two-fight deal iniaalok ng kampo ni Calderon kay Viloria

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng kampo ni Puerto Rican world light flyweight champion Ivan “Iron Boy” Calderon na magpapanukala sila ng isang two-fight deal kay Brian “The Hawaiian Punch” Viloria.

Sa plano ni PR Best Boxing president Peter Rivera, awtomatikong magkakaroon ng rematch sina Calderon at Viloria matapos ang kanilang unification fight.

“The plan is, no matter who wins the first fight, we will do a se­cond fight,” ani Rivera sa panayam ng BoxingScene.com. “Because both are both champions, somebody is going to win and somebody is going to lose.”

Ang 29-anyos na si Vi­loria ang kasalukuyang International Boxing Fede­ration (IBF) champion, habang ang 35-an­yos na si Calderon ang World Boxing Organization (WBO) titlist. 

“The reality is, in that division there isn’t a lot of opponents to make a good money and have good fights with. So it make sense to use the same guys,” sabi ni Rivera.   

Ibinabandera ni Viloria ang kanyang 26-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 15KOs, sa­mantalang dala naman ni Calderon ang 33-0-1 (6KOs) slate.

Bago ang pinapla­nong unification fight kay Calderon, ang ita­taya muna ni Viloria ay ang kanyang IBF light fly­weight crown laban kay Carlos Tamara ng Colombia sa Enero 23 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Taglay ni Tamara ang 20-4-0 (14 KOs).

Itataya rin ni Donnie “Ahas” Nietes sa naturang boxing card ang kanyang ta­ngan na WBO minimumweight title laban kay Mexican challenger Jesus Silvestre.

Taglay ng 27-anyos na pambato ng Murcia, Neg­ros Occidental ang kanyang 25-1-3 (14 KOs) slate, habang may 15-1-0 (12 KOs) card ang pambato ng tu­bong Naya­rit, Mexico. (Russell Cadayona)

Show comments