Patriots ibabangon ni Freeman kontra Tigers

MANILA, Philippines - Sa pagdating ni dating PBA import Gabe Freeman, umaasa ang Philippine Patriots na mawakasan ang kanilang dalawang dikit na ka­malasan sa pakikipagsa­gupa sa Thailand Tigers ngayon kung saan nasa krus­­yal na yugto ang karera p­ara sa top spot ng ASEAN Basketball League (ABL) sa Nimibutr National Stadium sa Bangkok, Thailand.

Bahagyang nagkaroon ng pahinga ang 6-foot-6 na si Freeman matapos na du­mating sa Manila nitong Biyernes ng gabi kung saan umalis naman ang Patriots patungong Bangkok via Kuala Lumpur kahapon para sa kanilang nakatakdang laban ngayong alas-4 ng h­apon sa Tigers.

Bagamat hindi sila uma­asa na nasa magandang kundisyon si Freeman, na­niniwala naman sina coach Louie Alas at team manager Erick Arejola na magiging ma­ganda ang paglalaro ng dating San Miguel import para sa Patriots.

“He’s still young, so I believe he can be of help to the team despite his jetlag,” wika ni Arejola, na nagdiwang ng kanyang ika-29th kaarawan nitong Biyernes ng gabi. “We really need his help.”

Pinalitan ni Freeman, pi­nangunahan ang San Mi­guel sa pagsikwat ng ka­nilang ika-18th cham­pionship noong nakaraang season, si Brandon Powell na hindi naging epektibo sa Patriots.

At sa 24 games na kanyang inilaro sa PBA Fies­ta Conference, nagtala si Freeman ng average na 23 points at 15.5 rebounds at nag­poste rin siya ng 22 double-double performances.

Si Freeman ay makakakuha ng suporta mula sa isa pang import--ang 6-foot-9 na si Jason Dixon, na nasa ta­mang porma matapos na maglista ng double-double performance ng walong be­ses sa huling 10 laro ng ko­ponan.

Inaasahan namang mag­tatrabaho sa loob sina No­noy Baclao at Elmer Espiritu upang tulungan sina Freeman at Dixon para maipanalo ang Patriots.

Show comments