Pacquiao liyamado na agad sa pustahan

MANILA, Philippines - Sa pagsisimula ng betting line para sa Manny Pac­quiao-Joshua Clottey, ang Pinoy boxer ay 4-1 favorite.

Sa official line si Pacquiao ay –400 at si Cottey ay +200.

Sa March 13 fight na nakatakda sa Cowboy Stadium, Arlington, Texas.

Mapapasabak ang premyadong boxer na kayang-kayang makasapat sa junior welterweight limit laban sa boxer na mahihirapang makaakyat sa 147 pound weight class.

Sinasabing hindi kapani-paniwala ang mga numerong ito dahil sinasabing isa ring mahusay na boxer itong si Clottey.

Mahusay dumipensa si Clottey, mabilis ang kamay at mabilis ang reflexes kaya magiging mabigat na hamon ito kay Pacquiao ngunit llyamadong-llyamado sa kanya si Pacquiao sa tayaan dahil sa kanyang mga nakaraang tagumpay.

Ang tagumpay ni Pacquiao kina Oscar dela Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto ang nagpalaki kay Pacquiao. (Mae Balbuena)

Show comments