PBA Press Corps sportswriting contest bukas na

MANILA, Philippines - Bukas na ang pagpapare-histro para sa taunang PBA Press Corps Sportswriting Contest sa lahat ng bonafide college students sa Metro Manila at kalapit probinsiya.

Ang kompetisyon, na suportado ng PBA Commissioner’s Office, ay nakatakdang ganapin sa semfinal round ng kasalukuyang PBA Philippine Cup sa susunod na buwan.

Sa lahat ng interesadong partido, maaari nyong tawagan ang PBA office sa telepono bi-lang 4702768 at 69 at hanapin si Mich Flores o Hazel Ancheta.

May isang oras na crash course sa news writing at maik-ling seminar ang kasunod ng pakontes at inaanyayahan ang mga estudiyante na i-monitor nila ang nagaganap sa kasalukuyang kumperensiya na nasa kritikal na classification stage na.

Ang deadline ng rehistrasyon ay sa pagtatapos ng quarterfinal round.

May nakalaang cash prizes at plake ang naghihintay sa tatlong pangunahing magwa-wagi.

Show comments