MANILA, Philippines - Kampeon si Manny Pacquiao at undefeated naman si Floyd Mayweather Jr. Pero patuloy pa rin ang debate tungkol sa drug testing. Ang laban na nais makita ng lahat ay ang Mayweather-Pacquiao fight. Wala ng iba pang makakalagpas sa matchup na ito kundi silang dalawa lamang.
Kamakailan lamang, pinarangalan ng ESPN si Pacquiao bilang 2009 best boxer of the year at si Mayweather ay undefeated pa rin.
Ngunit hindi na magkakasundo ang dalawa kung ang pag-uusapan ay kung paaano magkakaisa ang dalawang bigating boksingero sa drug testing na nais gawin. Kapwa kailangan ng dalawa ang maraming panalo at talo sa pamamagitan ng paglalaban nila. At lahat ay saludo dahil ito ang pinakamala-king laban sa taon o maging sa dekada.
At ito ang alok ng kampo ni Mayweather. Ngunit hanggang ngayon ay walang gustong makialam.
"As long as there's a blood test, as long as there's a urine test and as long as it's random, a (specified)cutoff date is agreeable to us," pahayag ng promoter ni Mayweather na si Richard Schaefer. "We're saying, 'We're OK,' and we hope Pacquiao (and his promoter and trainer) are OK."
Gayunpaman, may alternatibong alok na inilatag si Pacquiao ngunit hindi naman sumasagot ang kampo ni Mayweather.
Ilang ulit nang sinasabi ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao na itatakda ang laban kontra kay Paulie Malignaggi ngunit wala pa ring pahayag si Mayweather. Hanggat hindi pumapayag si Pacquiao sa nais ni Mayweather wala talagang mangyayari o magaganap na laban sa pagitan ng dalawang magaling na boksingero.
At habang naghihintay din si Freddie Roach, ang trainer ni Pacquiao na magkasundo ang dalawa, naghahanap din ito ng posibleng makakalaban ng kanyang bata.
At batay sa ulat mula sa Boxing News24 isa na rito si Juan Manuel Marquez na natalo kay Mayweather noong Setyembre.
Pero anuman ang maging resulta, matutuloy pa rin ang itinakdang laban sa Marso 13. (DMV)