Best Center sa Malate Catholic School at Starmall Alabang

MANILA, Philippines - Inihayag ng BEST Center ang panimula ng weekend basketball classes sa Malate Catholic School at Starmall Alabang sa Enero 9-10, ayon sa pagkakasunod.

Ang level 1 at 2 classes ay gaganapin bandang alas-8:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga tuwing Sabado mula Enero 9 hanggang Pebrero 27 sa Malate Catholic School, habang ang level 1, 2, 3 at 4 naman para sa introduction sa basketball ay nakatakda sa ganap na ala-una ng hapon hanggang alas-4 ng hapon tuwing Linggo mula Enero 10 hanggang Pebrero 27.

Ilan sa mga naging produkto ng Best Center ay ang mga pangunahing players sa local leagues tulad nina Chris Tiu, JV Casio, Jonas Villanueva, Marcy Arellano at Keiffer Ravena.

Ang lahat ng interesadong partido ay maaaring makipag-ugnayan sa BEST Center sa tel. nos. 411-6260 at 372-3065/66 para sa karagdagang detalye.

Show comments