MANILA, Philippines - Magandang kinabukasan at maraming ginto ang puntirya ng Philippine Sports Commission sa magiging kampanya ng bansa sa Guangzhou Asian Games sa 2010.
May 50 atleta at 10 gintong medalya ang target ng PSC sa pagtatanghal ng Asiad na nagsabi ding kailangang makilala na ang mga atletang isasalang sa quadrennial event.
“I think that will be good enough for the Asian Games,” wika ni PSC chairman Harry Angping.
“We’re looking at 50 athletes, and these will include most of the gold medalists in the Laos SEA Games. Again, we’re looking at a lean delegation,” aniya pa.
Ang Philippine delegation ay humakot ng apat na gintong medalya sa Doha Asian Games noong 2006, dalawa mula sa boxing at tig-isa naman mula sa billiards at wushu. Nakapag-uwi din ng 6 silvers at 9 bronze ang bansa.
Umaasa si Angping na muling makakapagdeliber ang mga naunang nabanggit na sports at gayundin sa taekwondo at dancesports.