MANILA, Philippines - Bunga ng hindi magandang kinahinatnan ng grupo ng siklistang sumuong sa Laos, pipilitin ng Philippine Cycling Federation president na si Abraham Tolentino na hindi na ito mauulit sa susunod na kompetisyon sa Guangzhou ang nangyari sa Laos ngayong taon.
Nalugmok sa masaklap na karanasan, maraming leksyon ang kanilang natutunan sa naging kaso ni Marites Bitbit na hindi pinayagang lumahok sa 25th SEA Games sa Laos.
Ang SEA Games two-time gold medalist na si Bitbit ay hindi na hinayaang magkaroon ng pagkakataong kumuha ng ginto sa road race o sa cross-country nang mahuli itong nakikipagtalo sa pamamahala ng Philcycling.
“She must bare the truth. She must have more to say but is quite afraid of the consequences. There were lessons learned here and I hope the Philippine Olympic Committee will stop fielding athletes not accredited by their IFs (international federations),” ani Tolentino.
Base sa napagkasunduan, ang grupong magkakaroon ng UCI, ang grupong sinusuportahan ni Tolentino ang siyang tanging may karapatang lumahok sa laban sa Laos.
Bukod sa cycling, mayroon ding ibang mga national sport na mayroong kinakaharap na problema. Dahil dito, isang malaking isyu ang pagkakatanggal kay Bitbit na malakas sana ang tsansang mag-uwi ng ginto sa naturang larangan kung saan napako ang Pilipinas sa ikaanim na pwesto.
Bilang resulta nito, walang maiuuwing premyo si Bitbit. Bagamat gumawa ng apela sa huling sandali. (Sarie Nerine Francisco)