Pacquiao Fighter of the Decade sa HBO poll ng proboxing.com

MANILA, Philippines - Si Manny Pac­quiao ang nanguna sa gi­nawang botohan ng HB­O para sa best fighter ng dekada, ayon sa examiner.com.

Nakakuha si Pacquiao ng seventy-nine percent sa mga respon­dents kung saan tinalo niya si Floyd Maywea­ther Jr., na nakakuha lamang ng 15% sa mga bo­moto.

Si Manny Pacquiao ay may 23 wins, 1 loss at 2 draws, 20 nito ay KO. Tinalo niya sina Hall of Famers Marco An­tonio Barrera, Erik Mo­rales, Oscar De La Hoya at Juan Manuel Marquez, bagamat kontrobersiyal ang kanyang panalo kay Marquez. Huli niyang tinalo sina Miguel Cotto at Ricky Hatton.

Sa nakaraang buong dekada, si Mayweather ay undefeated at n­agtala ng record na 18 wins at may 8 stop­pages. Sa 18 wins kabilang ang 8 title defenses at 5 title wins. Hina­rap niya sina Hall of Famer boxers Oscar De La Hoya at Juan Manuel Marquez, at borderline candidates Diego Corrales, Jose Luis Castillo at Ricky Hatton. Tinalo din niya sina Zab Judah, Jesus Chavez at Carlos Hernandez.

Si Manny Pac­quiao ang Fighter of the Decade ng proboxing.com dahil mas madami siyang nagawa kaysa kay Mayweather sa nag­daang dekada.

Lumaban siya sa mas madaming weight classes kung saan me­ron siyang world record na seven titles sa iba’t ibang divisions.

Mas ma­dami siyang tinalong Hall of Fame ca­liber fighters sa impre­sibong panalo.

Sa likod nito, hindi kumbinsido ang proboxing.com na tatalunin ni Pacquiao si Maywea­ther.

Show comments