Phoenix--Napatili ng Phoenix Suns ang kanilang walang talong record bilang natatanging koponan sa NBA na walang talo sa sariling bakuran matapos na maungusan ang Orlando Magic, 106-103 nitong Biyernes.
Tumapos si Amare Stoudemire ng 28 puntos na tinampukan ng matikas na offensive rebound dunk may 7 segundo na lamang ang nalalabi ang nagdala sa Suns sa pakikipagtabla sa ikalawang posisyon sa Western Conference.
Gumawa naman si Steve Nash ng 20 puntos at 18 assists para sa Suns.
Sa Cleveland, bumangon ang host team mula sa magkasunod na kabiguan sa road nang igupo ng Cavaliers ang Portland, 104-99.
Sa iba pang resulta, nanalo ang Dallas sa Miami, 106-93 at Atlanta sa Toronto, 111-89.