Arum ayaw nang makipagnegosasyon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng ma­laking lubak ang nego­sasyon para sa Manny Pacquiao-Floyd Mayweather megafight na na­pagkasunduan na sa Marso 13 matapos ang biglaang pagkan­sela ng kinatawan ni Mayweather na si Ri­chard Schaefer, chief executive ng Golden Boy Promotions sa ka­ni­­lang nakatakdang pag-survey sa Cowboy Stadium sa Dallas at pakiki-pagmeeting sana sa may-ari nitong si Jer­ry Jones.

Hindi ito nagustuhan ni Bob Arum ng Top Rank, ang promoter ni Pac­man kaya ayaw na nitong magpartisipa sa negosasyon at dahil dito ipinasa na lamang niya ito sa iba.

Ang president ng Top Rank Inc., na si Todd Du­boef, ang anak ng asawa ni Arum na ang kakatawan para kay Pacquiao para sa negosasyon.

Naka-schedule na ang pagbiyahe patu­ngong Dallas ng Miyer­kules ngunit, 11 oras ba­­go umalis para sa na­­­katakdang pulong, nagkansela si Schaefer.Nangangahulugang ayaw ni Floyd Jr.,na lu­maban sa 80,000-seater Cowboy sta­dium.

Show comments