VIENTIANE--Tunay na nagmalas ng Olympic form si Marie Antoinette Rivero at pamatay na porma naman si Alexander Briones naging maningning ang araw para sa Team Philippines makaraang isubi ang dalawang ginto sa ikalawang araw ng aksiyon sa taekwondo event ng 25th Southeast Asian Games sa Booyong Gymnasium ng National University dito.
Dalawang panalo lamang ang kinailangan ng dalawang Pinoy jins upang tanghaling kampeon sa welterweight at heavyweight class kung saan limitado ang lahok.
Sa unang salang ng 21 anyos na si Rivero, agad nitong isinemplang si Valy ng Laos at banatan ng 9-3 panalo ang mahigpit na kalaban ng mga Pinoy sa larong ito sa regional meet na si Nguyen Thi Duong, 2-1.
“Nakauna kasi ako sa kanya kaya siguro puro pagsugod na lang ang nasa ulo niya. But I was ready so I na-withstand ko ang attacks niya,” pahayag ni Rivero, na naka-silver lamang noong 2007 SEA Games sa Thailand.
“I maintained my lead and attacked at any given opportunity,” dagdag niya. “I have never met her, but I heard that she’s good. Good thing I prepared hard to pull off this easy win.”
Nasa porma pa bunga ng gold performance sa ASEAN championship na ginanap sa Vietnam, pinabagsak ni Briones ang baguhang si Dihn Quang Toan ng Vietnam bago binugbog si Sorn Elit ng Cambodia, 17-5.
Samantala, isinalba ni Miguel Molina ang gabi ng mga Pinoy tankers nang languyin nito ang gold sa 400m Individual Medley sa swimming competition sa pool ng National Sports Complex kagabi.
Ang 21-anyos na si Molina, tinanghal na Best Male Athletes noong 2007 Thailand SEA Games bunga ng kanyang apat na gintong hinakot, ay naorasan ng 4:27.00 para sa gold medal na pagtatapos.
Tinalo ni Molina ng .57 segundo ang Thai bet na si Nguyen Vo sa tiyempong 3.78.
Hindi naman naging masuwerte si Ryan Arabejo na nakuntento na lamang sa silver medal sa 200m backstroke
At dahil sa dalawang gintong naisubi ng Pinoy jins, at isakay Molina, may apat na ginto na ang bansa tatlo sa taekwondo kung saan ang una ay nagmula sa poomsae trio team nina Rani Ann Ortega, Janice Lagman at Camille Alarilla.
Bigo man sa gold, inialay nina Marlon Avenido at Kirstie Allora ang dalawang silver na naiambag.
Yumuko si Avenido kay Luong Mihn Dat ng Vietnam pagkatapos umakyat sa final sa pamamagitan ng mahigpit na 4-3 panalo kay Dam Srichan ng Thailand sa 73 kgs. class.
Tanging si Criselda Rojas lamang ang umuwing luhaan nang sa unang sabak pa lamang ay nakaharap ang Vietnamese na si Ha Thi Nguyen sa 67 kgs. sa quarterfinals at mabigo.
Magpapatuloy ang aksiyon ngayon kung saan may anim na golds ang nakataya sa men’s at women’s featherweight, bantamweight at lightweight classes.
Samantala, hinikayat ni Jose ‘Peping’ Cojuangco si Integrated Cycling Federation, Mikee Romero, na dalhin ang isyu ng naturang sports sa maimpluwensiyang Court of Arbitration ng International Olympic Committee.
Sinabi ni Cojuangco na ang kasalukuyang sitwasyon sa cycling ay nakakadismaya sa mga atleta na nagpull-out sa 25th Southeast Asian Games dito sa Laos makaraang mabigong makakuha ng accreditation mula sa international federation ng sports ang UCI.