Smart-RP taekwondo bets naka-gold

CAIRO, Egypt--Nag-uwi ang Smart Taekwondo Philippine team ng gintong medalya sa katatapos na 4th world poomsae championship dito.

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng koponan na sina Rani Ann Ortega, Ma. Carla Janice Lagman at Francesca Camille Alarilla upang talunin ang runner-up na Vietnam at third placers Egypt at Spain sa mahigpitang kompetisyon na ito na nilahukan ng 62 iba pang bansa.

“I’m proud of our girls,” wika ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventajado. “They preppared well and worked hard. They deserved the victory.”

Tatlong iba pang kalahok--sina Brian Alan Sabido, Jean Piere Sabido at Anthony Ray Matias--ang nagpakita ng aksyon. Si Igor Mella naman ang siyang delegation head, habang si Stephen Fernandez ang siyang team manager ng koponan.

Show comments