Mayweather handang-handa na

MANILA, Philippines -  Kung si trainer Floyd Mayweather, Sr. ang ta­tanungin, kahit bukas ay puwedeng labanan ng kanyang anak na si “Pretty Boy” Floyd, Jr. si Manny Pacquiao.

Sa panayam ng Fight­news.com kaha­pon, ipinagyabang ni Floyd, Sr. na kayang-kaya ng kanyang anak ang world seven-division champion na si Pac­quiao.

“He’s ready to go,” ani Floyd, Sr. “Let me tell you something, I see people saying if Zab Judah gave Lil Floyd prob­lems, so can Pacquiao. But with Pacquiao it’s not even going to be a figuring him out process. Pacquiao is terrible man.”

Nauna nang itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang mega-fight nina Pacquiao at Mayweather sa Marso 13, 2010.

Sinabi ni Floyd, Sr. na pumayag na si Mayweather sa detalye ng kontratang inilatag ni Arum. Ngunit naaasar lamang siya sa ilang pa­­hayag ni Freddie Roach.

“First, he said it was all on Lil Floyd. And then they were ready to go and this and that, and then he changed it to Manny got a busted eardrum, March is too soon and all that,” wika ni Floyd, Sr. kay Roach.

Idinagdag rin ni Floyd, Sr. na noong una pa man ay ayaw nang makasagupa ni Pacquiao si Mayweather.

“I really don’t think Pacquiao wanted to fight Lil Floyd. He knows what he’s up against,” wika ni Floyd, Sr. sa sinasabi niyang takot si Pacquiao kay Mayweather. (RCadayona)

Show comments