MANILA, Philippines - Bumangon ang Burger King sa 13-point deficit at sumandal sa kabayanihan ni Gary David na umiskor ng pampanalong free-throws tungo sa 101-99 tagumpay sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Tabla ang iskor sa 99-all nang makakuha ng foul si David mula kay Arana, 3.1 segundo ang nalalabing oras sa laro at kampante niyan ipinasok ang free-throws para ilagay sa unahan ang Burger King.
Sinikap na isalba ng Rain Or Shine ang panalo ngunit nasupalpal ni Buenafe si Jeff Chan sa huling play.
Nakabangon mula salawang sunod na talo ang Burger King kahit na hindi na nila kasama sa second half si coach Yeng Guiao na na-eject sa ikalawang quarter, para umangat sa 4-7 kartada.
“We just employed the same system from coach Yeng, the plays, the systems is coach-yeng’s,” pahayag ni assistant coach Junel Baculi na siyang nagmando ng team nang mawala si Guiao na hindi na rin pu-masok ng press room para sa post-game interview.
“Hopefully we can make up a string of wins because were in the bottom, to catch up in the quarterfinals.”
Nasira naman ang two game winning streak ng Rain Or Shine matapos malasap ang ikawalong talo. Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Purefoods (6-4) at Ginebra (7-3).