Nat'l championship nakataya sa NBTC league

MANILA, Philippines - National championships para sa National Capital Region (NCR) at mga probinsya ang paglalabanan sa pagsisimula ng Nokia National Basketball Trai­ning Center (NBTC) D-Leagu­e ngayon (Disyembre 6) sa Jacinto Tiu Gym ng Xavier Sports Center sa San Juan City.

Ayon kay NBTC D-League program director Eric Altamirano, mas magiging kapana-panabik ang torneo kung saan kasali ang 108 na koponan mula sa 29 noong nakaraang taon.

Ang NCR/Luzon leg ng Nokia NBTC D-League ay magsisimula ng alas nuwebe ng umaga ay unang mapapanood ang laban ng SMAHC Naga at ABC Ideas Naga at pagtutunggali ng La Union HS at Team 2. 

Ang opening ceremony ay nakatakda ng 11:30 am at special guests sina Nokia Philippines marketing head Mr. Sandeep Khanna, TAO Corporation president Jun Sy at Noli Eala.

Show comments